Gary Valenciano – Dati Rati Lyrics

Watch Gary V. – Dati Rati Lyrics Video

credits to joeymagtanggol for the Lyrics video

Gary V. – Dati Rati Lyrics

Dati-rati laman ng puso mo
Ay ang pangalan ko
Lagi ako sa isip mo
Dati-rati inaawitan pa
Labi ay may ngiti
Mga mata'y nagniningning
Ngunit ngayon, nagbago ka
Nasaan na ang init ng pagsinta
Pangako mo'y hindi magwawakas

Di ba noon samyo ng bulaklak
At ihip ng hangin ay kapansin-pansin
Di ba't noon takbo ng oras ay
Di mo napapansin laging naglalambing
Ngunit ngayon, naglaho na
Sigla't tamis ng 'yong pagsinta
Pagmamahal ko ba'y kailangan pa?
woo oohhh

Dati-rati mga pangako ko'y
Kandungan mo't lakas
Sa pagsubok ay kay tatag
Di ba't noon Sa kaibigan mo'y
akong bukambibig
Bakit ngayo'y anong lamig?

Di mo alam, ako'y nasasaktan
Sa 'di pagpansin sa aking pagmamahal
Lumapit ka't ako'y naghihintay
Naghihintay woooooh

Ako'y nasasaktan
Sa 'di pagpansin sa aking pagmamahal
Lumapit ka't ako'y naghihintay

Di mo alam, ako'y nasasaktan
Sa 'di pagpansin sa aking pagmamahal
Lumapit ka't ako'y naghihintay

Panginoon, ako'y nabulag
Ng mandarayang mundo
Ako ay patawarin mo
Mula ngayon ang buhay kong ito'y
iaalay sa 'yo
Gamitin mo ako
Gaya ng dati
Gaya ng dati
Gaya ng dati

* Gary V – Dati Rati Lyrics property of their owners

No comments:

Post a Comment

Post a Comment