Maldita – SANA Lyrics

Watch Maldita – SANA Lyrics Video

Credits to RakiztangBano for the video

Maldita – Sana Lyrics

Nagsimula lahat sa ‘di sinasadya
Hanggang nagmahalan nang ‘di alam
ang tunay na dahilan
‘Di makalimutan nong tayo’y nagsumpaan
Nangako sa isa’t isa na kailanma’y
di maghihiwalay

Kay sakit isipin bigla mo na lang binawi’ng
pagmamahal na inalay sa akin
Sana, mahal, huwag mo akong pahirapan nang gan’to
Eto ako, ramdam mo ba mahal parin kita
At sana naman yakapin muli ako

Sorry kung hanggang ngayo’y nangungulit
Sabik lang sa iyong halik at yakap mo na kay higpit
Imposible ba itong aking hiling
Na sana’y makita ka muling nakangiti saking piling

Kay sakit isipin bigla mo na lang binawi’ng
pagmamahal na inalay sa akin
Sana, mahal, huwag mo akong
pahirapan nang gan’to
Eto ako, ramdam mo ba mahal parin kita
At sana naman yakapin muli ako

Sana, mahal, huwag mo akong
pahirapan nang gan’to
Eto ako, ramdam mo ba
mahal pa rin kita
At sana naman yakapin muli ako
At sana naman yakapin muli ako

* Maldita – Sana Lyrics property of their owners

No comments:

Post a Comment