Gloc9 – Walang Natira Lyrics

Watch Gloc9 – Walang Natira Lyrics Video

Credits to vanzlyricshd for the youtube video

Gloc9 – Walang Natira Lyrics

Napakaraming guro dito sa amin
Ngunit bakit tila walang natira
Napakaraming nurse dito sa amin
Ngunit bakit tila walang natira
Nagaabroad sila,
Gusto kong
Yumaman, yumaman, yumaman, yumaman, yumaman
Nagaabroad sila,
Gusto kong
Yumaman, yumaman, yumaman, yumaman, yumaman
nagaabroad sila

lupa kong sinilangan ang pangalan ay pinas
ngunit bakit parang puno na ang prutas ay pitas
nauungusan ang batas parang inamag na bigas
lumalakas na ang ulan
ngunit ang payong ay butas
tumatakbo ng madulas
mga pinuno ay ungas

sila lamang ang nakikinabang
pero tayo ang utas
mga kabayan natin ay
lumilipad, lumalabas
para pumunta ng ibang bansa
at doon magtamas ng kamay
para lamang magkakalyo lang muli

ang pahinga’y iipunin
para magamit pag-uwi
dahil doon sa atin
mahirap makuha ang buri
mabahiran ng chocolate
ang matamis na ngiti ng anak
na halos di nakilala ang ama

o ina na wala sa tuwing kaarawan nila
dadating kaya ang araw na ito’y magiiba
kung hindi ka sigurado
magisip-isp ka na

Napakaraming inhinyero dito sa amin
Ngunit bakit tila walang natira
Napakaraming karpintero dito sa amin
Ngunit bakit tila walang natira
Nagaabroad sila,
Gusto kong
Yumaman, yumaman, yumaman, yumaman, yumaman
Nagaabroad sila,
Gusto kong
Yumaman, yumaman, yumaman, yumaman, yumaman
nagaabroad sila

mabuti kung mabuti ang kinakahinatnan
ang kapalaran ng lahat
nang nakipagsapalaran
kahit nag-aalangan
para lang sa kapakanan

ng mahal sa buhay ang sugal ay tatayaan
isasanla ang lahat ng kanilang mga pag-aari
mababawi rin naman yan ang sabi pag nayari
ang proseso ng papeles
para makasakay na sa eroplano
o barko kahit saan man papunta,
basta kumita ng dolyar na ipapalit sa piso

ang isa ay katumbas ng isang dahot ng mamiso
ganyan ba ang kapalit ng buhay ng Pilipino
lilisanin ang pamilya ang amo na kahit na sino
gugutumin, sasaktan, malalagay sa peligro

uuwing nasa kahot ni wala man lang testigo
darating kaya ang araw na itoy mag-iiba
kung hindi ka sigurado
magisip-isp ka na

Napakaraming kasambahay dito sa amin
Ngunit bakit tila walang natira
Napakaraming labandera dito sa amin
Ngunit bakit tila walang natira
Nagaabroad sila,
Gusto kong
Yumaman, yumaman, yumaman, yumaman, yumaman
Nagaabroad sila,
Gusto kong
Yumaman, yumaman, yumaman, yumaman, yumaman
nagaabroad sila

subukan mong isipin
kung gaano kabigat
ang buhat na maleta
halos hindi mo na maangat
ihahabilin ang anak para ito sa kanila

lalayo upang mag-alaga ng anak ng iba
matapos lamang sa kolehiyo
matutubos din ang relo
bilhin mo na kung anong gusting laruan ni Angelo
matagal pa kontrata ko
titiisin ko muna to
basta ang mahalaga
ito’y para sa pamilya ko

Napakaraming guro dito sa amin
Ngunit bakit tila walang natira
Napakaraming nurse dito sa amin
Ngunit bakit tila walang natira
Nagaabroad sila,
Gusto kong
Yumaman, yumaman, yumaman, yumaman, yumaman
Nagaabroad sila,
Gusto kong
Yumaman, yumaman, yumaman, yumaman, yumaman
nagaabroad sila

Napakaraming tama dito sa atin
Ngunit bakit tila walang natira
Napakaraming nars dito sa amin
Ngunit bakit tila walang natira

* Gloc9 – walang natira lyrics property of their owners

No comments:

Post a Comment