Angeline Quinto – Ngayon Lyrics

Watch Angeline Quinto – Ngayon Lyrics Video

Credits to nhicko27

Angeline Quinto – Ngayon Lyrics

Ngayon ang simula ng hiram mong buhay
Ngayon ang daigdig mo’y bata at makulay
Ngayon gugulin mo nang tama’t mahusay
Bawat saglit at sandal magsikap ka’t magpunyagi
Maging aral bawat mali

Ngayon bago ito ay maging kahapon
Ang pagkakataon sana’y huwag itapon
Ikaw tulad ko rin ay may dapithapon
Baka ika’y mapalingon
Sa nagdaang bawat ngayon
Nasayang lang na panahon

Ituring mong kahapo’y waring panaginip lang
Ang bukas pangitain n’yang ganda’y sa isip lang
Kung bawat ngayon mo sa ‘yo ay laging sulit lang
Kay ganda ng buhay ngayon

Sa buhay mong hiram mahigpit man ang kapit
May bukas na sayo’y din a rin sasapit
Ngunit bawat ngayo’y dakila mong nagamit
Masasabi mong kahit na ang bukas, di sumapit pa
Ang naabot mo’y langit na

Ituring mong kahapo’y waring panaginip lang
Ang bukas pangitain n’yang ganda’y sa isip lang
Kung bawat ngayon mo sa ‘yo ay laging sulit lang
Kay ganda ng buhay bukas mo’y matibay
Dahil ang sandiga’y ngayon...

* Angeline Quinto – Ngayon Lyrics property of their owners

No comments:

Post a Comment