Gloc 9 feat Denise Barbacena – Hari ng Tondo Lyrics

Watch Gloc 9 feat Denise Barbacena – Hari ng Tondo Lyrics Video


Gloc 9 feat Denise Barbacena – Hari ng Tondo Lyrics

Denise Barbacena)
kahit sa patalim kumapit
isang tuka, isang kahig
ang mga kamay na may bahid ng galit

kasama sa buhay na minana
isang maling akala
na ang taliwas ko'ng minsan ay tama

ang hari ng tondo
hari ng tondo
baka mabansagan ka na
hari ng tondo

hari ng tondo
hari ng tondo
baka mabansagan ka na
hari ng tondo

(Gloc 9)
minsan sa isang lugar sa maynila
maraming nangyayari
ngunit takot ang dilang sabihin ang lahat
animo'y kagat-kagat, kahit itago'y
di mo puwedeng pigilin ang alamat
na umusbong
kahit na madami ang ulupong
at halos di iba
ang laya sa pagkakulong
sa kamay ng iilan
umaabusong kikilan
ang lahat ng pumalag
walang tanong ay kitilan
ng buhay, hukay
nuhay magpapatunay
na kahit hindi makulay
kailangang magbigay pugay
sa kung sino ang lamang
mga bitukang halang
at kung wala kang alam
ay yumuko ka na lang
hanggang sa may nagpasya
na sumalungat sa agos
wasakin ang mga kadena
na syang gumagapos
sa kwento na mas astig pa
sa bagong tahi na lonta
sabay sabay natin hawiin
ang tabing na tolda

(Denise Barbacena)
kahit sa patalim kumapit
isang tuka, isang kahig
ang mga kamay na may bahid ng galit

kasama sa buhay na minana
isang maling akala
na ang taliwas ko'ng minsan ay tama

ang hari ng tondo
hari ng tondo
baka mabansagan ka na
hari ng tondo

hari ng tondo
hari ng tondo
baka mabansagan ka na
hari ng tondo

(Gloc 9)
nilusong ang kanal na
sa pangalan nya'y tumawag
alang-alang sa iba
saka na muna ang patawad
sa maling nagagawa
na tila nagiging tama
ang tunay na may kailangan
ang sya'ng pinatatamasa
lahat sila'y takot
nakakapaso ang iyong galit
mga bakal na may nagbabagang
tinggang papalit-palit
sa hangin na masangsang
nakakapanghina ang nana
at hindi mo matanggal
na para ba'ng sima ng pana
nakakulawit,subalit
sa kabila ng lahat
ay ang halimuyak lamang ng
nag-iisang bulaklak ang
syang tanging naghahatid
sa kanya sa katinuan
at hindi ipagpapalit
sa kahit na sino man
ngunit ng dumating ang araw
na gusto na nyang talikuran
ay huli na ang lahat
at sa kamay ng kaibigan
ipinasok ang tingga
tumulo ang dugo sa lonta
ngayon alam nyo na ang
kwento ni Asiong Salonga

(Denise Barbacena)
kahit sa patalim kumapit
isang tuka, isang kahig
ang mga kamay na may bahid ng galit

kasama sa buhay na minana
isang maling akala
na ang taliwas ko'ng minsan ay tama

ang hari ng tondo
hari ng tondo
baka mabansagan ka na
hari ng tondo

hari ng tondo
hari ng tondo
baka mabansagan ka na
hari ng tondo

No comments:

Post a Comment